close

Videos.Trending.ph is now Featured.tv!

11 OFW Seafarers Stranded in Ocean Star 86 (Dongshan, China)

74 Views
Balita Pilipinas
0
Published on 11 Aug 2020 / In DIY & How-To

⁣PANOORIN: Ito ang kalagayan ngayon ng 11 na OFW seafarers na stranded sa barkong Ocean Star 86 sa laot ng Dongshan, China.
Sa panayam namin sa mga seafarers, sinabi nilang apat na bwan na silang stranded sa barko. Wala silang sapat na pagkain at umiinom na rin ng kinakalawang na tubig mula sa gripo ng barko.
Makakabilang na sana sila sa mga seafarers na uuwi noong bwan ng hulyo sa Pilipinas ngunit hindi pa raw aprubado ng Embahada ng China ang pagdaong nila kaya't naiwan sila.
Agad na inilapit ng PTV4 ang kanilang sitwasyon sa Department of Labor and Employment at ayon sa DOLE, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs para sa agarang pagpapauwi sa mga stranded na seafarers.
Bukod sa Ocean Star 86 na sinasakyan ng 11 na seafarers na ito, may dalawang barko pang nasa laot ngayon ng Dongshan, China bitbit ang mahigit 40 na seafarers na nagnanais din makabalik sa Pilipinas.
Umaasa sila na mapadalhan ng sapat na pagkain at malinis na tubig habang nagiintay ng kanilang pag-uwi. [PTV/⁣Louisa Erispe]
Source: ⁣https://www.facebook.com/louis....aerispePTV/videos/29

Show more
0 Comments sort Sort By

Facebook Comments