Up next

Lugaw! Non-essential? [FULL VIDEO]

105 Views· 31 Mar 2021
Juan Dela Cruz
Juan Dela Cruz
5 subscribers
0
In Food

⁣Viral ngayon ang video ng isang Grab Food rider na hinarang sa Harmony Hills sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.



Magdi-deliver sana ang rider ng lugaw na order ng isang residente, pero 'di na siya pinatuloy ng barangay. Nagpaliwanag ang representative ng barangay na may kasamang pulis sa rider tungkol sa curfew at sa mga pagkain na itinuturing na bahagi ng "essential deliveries" ngayong ECQ. Posible pang makasuhan at maipasara ang tindahan, ayon sa barangay. Pwede rin daw matiketan ang rider at ma-impound ang kanyang motor.



Depensa ng rider, may permit naman mula sa IATF ang lugawan para mag-operate ngayong ECQ, at pagkain naman ang kanyang idi-deliver. Pero nanindigan ang taga-barangay at sinabing 'di raw essential ang lugaw.



Tumawag at sinubukang makipag-usap ng may-ari ng lugawan pero ayaw na siyang kausapin ng barangay at ng pulis sa lugar. Impormal daw kasi sa telepono at sa halip ay pinapunta na lang sila sa barangay hall kinabukasan. Napilitan na lang din na magsara ang lugawan, ayon sa rider.



VIDEO SOURCE: ⁣https://webs.me/az9QI | ⁣Marvin Ignacio

Show more

 0 Comments sort   Sort By


Facebook Comments

Up next