Up next

K&B II by Omar Baliw X CLR (Official Music Video & Lyrics)

88 Views· 30 Sep 2020
Music
Music
5 subscribers
1
In Music

⁣"K&B II"
Omar Baliw X CLR

tulog ko ay laging hating gabi
simot ang oras hindi na 'ko nagtabi
yeah ang itinanim ay bumunga na't magdidiwang kami
mga tunay lang ang laging katabi
nasaan ka no'n nung iilan lang kami

yo! konting bilis tingnan natin kung makahabol ka pa
mga nahuhuli dati ngayon ay nauuna na
lumaban lang ng patas 'di nagpatabi sa makatuwid
humarurot kaya napag-iwanan ka na
sabi naman sa'yo pangala'y babakat
kain lahat kahit kanino mo man itapat
mga ayaw samin luha nila'y papatak
puto kahol lang walang pangil na pangkagat
walang pangkagat

ugh! ginagawa lang di na sinasabi
yung naniwala lang din sinasali
silang pumusta magmula nung una
hanggang sa bulsa namin mapuno na
di nakalimot tanda ko kung sinu-sino lang
mga kasama nung kita ko piso-piso lang
maliit na bilofg aking ruta dito-dito lang
at nung mga araw na benta ko pito-pito lang
buong-buo pinag-aralan paganahin
tipong ubos agad sa mesa pagkahain
tapos babalik kasi sakin nasarapan
kaya salamat kung gang ngayon nasa harapan

Putapete di kasali
yan ang laging sambit ng yong mga labi
habang kami naghuhukay ng ambisyon
kung saan ang dyamante doon ang aming direksyon
wa na koy labot sa inyo
kukunin namin ang para sa amin, dito
'la mi labot sa inyo
sa inyo

ugh! iba ang sipag sa pinanggalingan ay baba
mas delikado pa pag bitbit utak mataba
naglalaro ang isip dun sa kalawakan
taning pangarap lang aking pinanghawakan
lubak-lubak man ang byaheng pinagdaanan
ay kahit kailan di ako pinanghinaan
kaya mas lalo pang nanggigil at mas sumagad
aking tira kahit no look ay pasok agad
kasi inaral ng maigi bago bumitaw
kaya ang pag-asa sa akin medyo lumitaw
kung may kulang man sa kilos, laging dagdagan
o kung matisod man, palag lang laging pagpagan
Ugh! alam mo dapat lagi ang misyon
Ugh! kukuhain natin ambisyon
Ugh! walang bitawan hanggang makamit
on the way alam nyo na sa premyo ay palapit


Putapete di kasali
yan ang laging sambit ng yong mga labi
habang kami naghuhukay ng ambisyon
kung saan ang dyamante doon ang aming direksyon
wa na koy labot sa inyo
kukunin namin ang para sa amin, dito
'la mi labot sa inyo
sa inyo

Ugh! kung hindi man ngayon ay sumubok ka lang
kung anong nakahain sumubo ka lang
ang daming sablay natuto lang din
daming pangarap natutupad din
at kung akala nilang di mo kaya iyon
diretso lang lakad wag ka ng lumingon
maraming tanong nakakalito
kung pano makuha nasa sa iyo *(alam nyo na)

ahh! kaya walang pake
kahit tulog ko ay laging hating gabi
simot ang oras hindi na 'ko nagtabi
yeah ang itinanim ay bumunga na't magdidiwang kami
mga tunay lang ang laging katabi
nasaan ka no'n nung iilan lang kami

ngayong hating gabi
simot ang oras hindi na 'ko nagtabi
yeah ang itinanim ay bumunga na't magdidiwang kami
mga tunay lang ang laging katabi
nasaan ka no'n nung iilan lang kami
Ugh! nasan ka nun

____________________________END____________________________________

Title: K&B IIArtist: Omar Baliw and CLRMixed, mastered and produced by Ochomil / 8 Beats Filmed, edited and directed by BJT / Black Chair.Photo: ZJAStream OMAR BALIW PO ALBUM on Spotify: https://bit.ly/OMARBALIWPOALBUMSPOTIFY

Show more

 0 Comments sort   Sort By


Facebook Comments

Up next